JINGLE (PAGMAMAHAL SA DIYOS, PAMILYA AT BAYAN
Tune: Sisira ang Bulaklak
Buhay mo ay uunlad
Pag meron kang pamilya
Pamilyang mapagmahal
Nagtutulunga’t nagkaisa (2x)
Si nanay, tatay, bunso, ate, kuya
Sa pagsimba silay laging magkasama
Si nanay, tatay, bunso, ate, kuya
Palaging masaya basta’t sama-sama
Tune: Nandito na si KZ
Pagmamahal sa bayan
Ay ating pagyamanin
Tayo’y magkapit-bisig
Lutasin ang suliranin
Bayan ay aasenso
Magtulungan lang tayo! Let’s go!
Tune: Jingle Bells
Ang ating kinabukasan
Ay nasa kamay natin
Pag tayoy magsusumikap
Ay magtatagumpay din. Hey!
Wag lang kalimutan
Ang Diyos ating Sandigan
Araw-araw siya’y pasalamatan
Sa kanyang kabutihan. Hey!
Tune: We Wish You A Merry Christmas
Para sa ting kinabukasan
Magsumikap at magmahalan
Mahalin ang pamilya’t bayan……
Diyos ang laging sandigan…